Thursday, December 31, 2009

HAPPY NEW YEAR !!!!

01 January 2010
12:15 pm

Ay, grabe, I can't believe that it's already 2010!!! What's in store for me this year?! Sa Mall siguro marami, o kaya sa Ukay?!! hahaha... Hindi ako mahilig sa Zodiac signs at lalong hindi ako naniniwala jan sa mga fearless forecast ng mga kalahi ni Madame Auring! And since CHARMED ONE naman ako, eh, ako ng bahalang magPredict sa sarili ko....

And here it goes.....

1. PAPAYAT AKO! - yesterday, my habibti went to their house to pay her mom a visit. Pagbalik nya, may dala-dala na syang KANKUNIS Slimming tea! "Himala!". Hindi ko alam kung bakit ako binigyan ng mudra nya ng slimming tea. Dahil sa pagkakaalam ko, eh, mas kelangan nila yon!! hahaha.... Pero based from what I learned in Facebuk, "Beggars cannot be choosers!" (remember?), kaya gagamitin ko na lang para hindi masayang! Uminom na nga ko kagabi,eh... So far, wala pa namang side effects! ( hay salamat sa Diyos!)

Papayat ako, dahil imbyernang- imbyerna na ko sa kapitbahay namin, na sa twing na lang magkikita kami sa tindahan, eh, panay ang sabing, " Uy, ano na?! Ang taba mo..... Ang taba-taba-taba mo na!" (sabay kurot sa mga braso ko). Okey lang naman na sabihan nya kong majubis,eh, dahil talaga namang lumapad ako these past 2 years! Pero ang i-emphasize pa ang salitang "taba- taba" 3x, eh, nakaka-im (imbyerna) na talaga!!! So annoying! Naks! hahaha....

Papayat ako dahil kelangan kong pumayat! Aba, eh, hindi na lalayo ang pagsikat ko. Kaya kelangan ko ng maging figure conscious! hehehe... Syempre, pag sikat na ko magkakaron na ko ng TV guestings, commercials, billboards, mga ganun....... Kaya dapat maging sexy na ulit ako! hahaha....

2. MA-I-STRESS NA NAMAN AKO! - "Happy new year n gud luck to u ^^ n from next monday at mornin time can u teach emma&rapha?" . Text ni Ms. Christine ( she was my korean boss since January 2009. Na cut lang ang serbisyo ko sa kanila ng magChange location ang mga hitad. Though miles away na ang drama namin, we never stop communicating from one another. Isa sya sa dalawang KOreans na lang na pinagkakatiwalaan at pinapaniwalaan ko hanggang ngayon. Kumbaga, dahil sa kanya, kahit papano, hindi ako tuluyang nawalan ng respeto sa mga kaUri nya!)

Ewan ko ba kung bakit kahit pilitin kong talikuran na ang pagiging MILA, eh, patuloy pa rin ang pagkatok nya sa pinto ko. Ayoko na talaga sana,eh.... Pero, wallet ko na ang nagdurusa sa isang buwan kong pananahimik sa bahay! Yoko naman kasing magCall girl, este call center agent pala... Mas nakakaStress daw yon, sabi ng isang friend ko. At mas lalong ayoko ng bumalik sa opisina ng tatay ko! Doon, hindi lang nakakaStress, nakakamatay pa!!!!!

"Okay. Thank you so much! Again, Happy New Year!" . Yan ang huling reply ko sa text nya. Kaya alam ko na magsisimula na naman ang kalbaryo ko! Hay......

3. MAGIGING CERTIFIED BLOGGER NA KO! - Yup, yan ang isang pagkakaabalahan ko sa mga susunod na araw. Kasama sa new years list ko na mag-update ng blog ko araw-araw! And voila!! May entry na ko for today!! Yeheyy...

4. KIKITA NA NAMAN ANG BAYO, BENCH, HUMAN AT MGA UKAYAN! - Naman!! Since working na naman ako by Monday, eh, meron na naman akong karapatang gumastos!! Namiss ko nga ang SM masyado,eh.. Dati kasi every Friday, eh, may attendance kami dun. Biglang na-AWOL ako ng hindi na ko rumaraket. Ang hirap ng walang anda, noh?!

5. MAGIGING COMMUNITY HELPER NA KO - ilang level na lang at magiging ganap na magsasaka, mangingisda at chef na ang lola mo!! hahaha....

6. GAGASTOS NA NAMAN AKO SA BUWAN NG PEBRERO - natural, birthday month ko yon,eh!!! I remember last year, when I celebrated my birthday with my friends, eh, trinangkaso ako! Muntik na nga akong himatayin sa Trinoma,eh. Pano ba naman kasi, kumain lang kami ng pizza, eh, libo na ang ginastos ko! Waaaaahhhh...

7. IITIM AKO PAGDATING NG APRIL - nakagawian na naming magkakaibigan na magswimming pag dumarating ang Holy Week. Mga ilang taon na rin naming ginagawa yon. Parang ritwal lang, ganun.. Kung ang iba,eh, halos magkandapaos-paos sa pagkanta sa pasyon twing mahal na araw, kami naman, eh, walang habas ang pagbrowse sa internet kung saan ang next location, kung anong lafang ang bibitbitin at kung anong outfit ang dapat isuot. We're so bbbaaaaaaadddd!!!

8. MAY PASOK SA JUNE 12 - sa kaso ko, meron!!! Yun, eh, kung rumaraket pa rin ako sa mga Koreans. Hindi kasi uso sa kanila ang holiday. Bawal ka ring magkasakit, at kung aabsent ka, ihanda mo na ang sangkaterbang excuses para mapaniwala mo sila.

9. HAHABA NA ANG HAIR KO!! - dahil may LQ na kami ng hair stylist kung bading, malamang, eh, next year na ko makakapagpagupit sa kanya!!! hahaha...

10. MABIBINGI AKO! - yan,eh, pag hindi pa tumigil yung kapitbahay namin sa kakakanta at kapapatugtog ng ubod ng lakas!! Long playing sila mga kapatid, since yesterday morning pa sila ganyan! At naririndi na ang tenga ko sa paulit- ulit na "nobody- nobody but you!" Waaahhhh..!!



1 comment:

  1. RE:

    #1 - goodluck sa Kankunis haha!!
    #2 - ako din maiistress na naman sa work pagbalik ko waaaahhh...
    #3 - muka ngang adik ka na mag-blog.. ayaw mo na paawat.. pero since back to being MILA ka na, goodluck na lang hehe...
    #6 - involved ata kami sa prediction na to?!hahaha...
    #10 - ahh, akala ko magiging Koreana ka na din like your students dahil sa araw-araw na pkikinig sa Nobody haha!!

    ReplyDelete