29 December 2009
around 9:00 am
Wheeew!! Finally, I had come to a decision to start blogging... Honestly, yoko sana,eh... (pedeng mag-tagalog na lang?! baka maNosebleed ako sa harap ng desktop, pagtinuloy-tuloy ko pa to,eh...) Kaso, when I started reading books, such as the works of BOb Ong, Wanda Ilusyonada, Louie Cano and the likes, naisip ko... Bakit nga ba di ako mag-Blog?! Aba, eh, who knows, baka sumikat din ako?!! weeehhhhhh....
Kidding aside, nainspire talaga ko sa mga sinulat nila. Maaaring hindi nga mala-Charles Dickens o Edward Allan Poe ang mga atake ng mga nabanngit kong manunulat, pero pag binasa mo yung kanilang mga libro, eh, for sure "maaaliw ka!"
Maraming thank you din ke Paul (http://paulignatius.wordpress.com yan ang site nya, check nyo para malaman nyo ang ibig kong sabihin), ang aking mahal na kaibigan, na sa kabila ng kanyang palaging fully booked sked, eh, nakukuha pang makapagBlog ng kung anik-anik, At lagi akong kinukulit na magComment sa kanyang mga Obra Maestra. Dahil sa yo friendship, may BLOG na din ako...!!!
I want to start the year right (Diyos ko, tama nga ba tong desisyon ko na mag-blog?!). Kaya para salubungin ang bagong taon, eh, sisikapin kong karirin na ang pagbaBlog!!! Aba , marami din naman akong maiiShare noh?!! Masaya at makulay din naman ang buhay ko!! Marunong din naman akong magReview ng mga kung anu-anong chorva at higit sa lahat marunong din naman akong magUpload ng mga kapicturan!!! Kaya, keri na yan!!! (At kahit na hindi, eh, pipilitin ko...)
KAYA UUMPISAHAN KO NA 'TO, NOW NA!!! "LET'S ALL GET READY TO RUMBLE!!!"
( Ay, later na lang pala, mag-aalmusal na muna ko at tatapusin ko muna yung isang librong binabasa ko. "Chow!!!" )
Monday, December 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Wow!! congratulations at may blog ka na hehehe!! it's good na nilagay mo nga ung blog ko, pero di naman maclick yung link haha! alisin mo ung comma o kaya gawan mo ng link sa mismong name ko... pero naku, magaala-callers ko na nman ikaw nyan haha!! ayan ha, nag comment nako hehe...
ReplyDeleteI will look forward for more posts... although I admit na minsan mahirap mag update kasi medyo busy hehe.. so pano, I'll see yah 'round!! again, congrats!!!
TInanggal ko na po yung comma. Happy now? hehehe...
ReplyDelete