Thursday, December 31, 2009
HAPPY NEW YEAR !!!!
12:15 pm
Ay, grabe, I can't believe that it's already 2010!!! What's in store for me this year?! Sa Mall siguro marami, o kaya sa Ukay?!! hahaha... Hindi ako mahilig sa Zodiac signs at lalong hindi ako naniniwala jan sa mga fearless forecast ng mga kalahi ni Madame Auring! And since CHARMED ONE naman ako, eh, ako ng bahalang magPredict sa sarili ko....
And here it goes.....
1. PAPAYAT AKO! - yesterday, my habibti went to their house to pay her mom a visit. Pagbalik nya, may dala-dala na syang KANKUNIS Slimming tea! "Himala!". Hindi ko alam kung bakit ako binigyan ng mudra nya ng slimming tea. Dahil sa pagkakaalam ko, eh, mas kelangan nila yon!! hahaha.... Pero based from what I learned in Facebuk, "Beggars cannot be choosers!" (remember?), kaya gagamitin ko na lang para hindi masayang! Uminom na nga ko kagabi,eh... So far, wala pa namang side effects! ( hay salamat sa Diyos!)
Papayat ako, dahil imbyernang- imbyerna na ko sa kapitbahay namin, na sa twing na lang magkikita kami sa tindahan, eh, panay ang sabing, " Uy, ano na?! Ang taba mo..... Ang taba-taba-taba mo na!" (sabay kurot sa mga braso ko). Okey lang naman na sabihan nya kong majubis,eh, dahil talaga namang lumapad ako these past 2 years! Pero ang i-emphasize pa ang salitang "taba- taba" 3x, eh, nakaka-im (imbyerna) na talaga!!! So annoying! Naks! hahaha....
Papayat ako dahil kelangan kong pumayat! Aba, eh, hindi na lalayo ang pagsikat ko. Kaya kelangan ko ng maging figure conscious! hehehe... Syempre, pag sikat na ko magkakaron na ko ng TV guestings, commercials, billboards, mga ganun....... Kaya dapat maging sexy na ulit ako! hahaha....
2. MA-I-STRESS NA NAMAN AKO! - "Happy new year n gud luck to u ^^ n from next monday at mornin time can u teach emma&rapha?" . Text ni Ms. Christine ( she was my korean boss since January 2009. Na cut lang ang serbisyo ko sa kanila ng magChange location ang mga hitad. Though miles away na ang drama namin, we never stop communicating from one another. Isa sya sa dalawang KOreans na lang na pinagkakatiwalaan at pinapaniwalaan ko hanggang ngayon. Kumbaga, dahil sa kanya, kahit papano, hindi ako tuluyang nawalan ng respeto sa mga kaUri nya!)
Ewan ko ba kung bakit kahit pilitin kong talikuran na ang pagiging MILA, eh, patuloy pa rin ang pagkatok nya sa pinto ko. Ayoko na talaga sana,eh.... Pero, wallet ko na ang nagdurusa sa isang buwan kong pananahimik sa bahay! Yoko naman kasing magCall girl, este call center agent pala... Mas nakakaStress daw yon, sabi ng isang friend ko. At mas lalong ayoko ng bumalik sa opisina ng tatay ko! Doon, hindi lang nakakaStress, nakakamatay pa!!!!!
"Okay. Thank you so much! Again, Happy New Year!" . Yan ang huling reply ko sa text nya. Kaya alam ko na magsisimula na naman ang kalbaryo ko! Hay......
3. MAGIGING CERTIFIED BLOGGER NA KO! - Yup, yan ang isang pagkakaabalahan ko sa mga susunod na araw. Kasama sa new years list ko na mag-update ng blog ko araw-araw! And voila!! May entry na ko for today!! Yeheyy...
4. KIKITA NA NAMAN ANG BAYO, BENCH, HUMAN AT MGA UKAYAN! - Naman!! Since working na naman ako by Monday, eh, meron na naman akong karapatang gumastos!! Namiss ko nga ang SM masyado,eh.. Dati kasi every Friday, eh, may attendance kami dun. Biglang na-AWOL ako ng hindi na ko rumaraket. Ang hirap ng walang anda, noh?!
5. MAGIGING COMMUNITY HELPER NA KO - ilang level na lang at magiging ganap na magsasaka, mangingisda at chef na ang lola mo!! hahaha....
6. GAGASTOS NA NAMAN AKO SA BUWAN NG PEBRERO - natural, birthday month ko yon,eh!!! I remember last year, when I celebrated my birthday with my friends, eh, trinangkaso ako! Muntik na nga akong himatayin sa Trinoma,eh. Pano ba naman kasi, kumain lang kami ng pizza, eh, libo na ang ginastos ko! Waaaaahhhh...
7. IITIM AKO PAGDATING NG APRIL - nakagawian na naming magkakaibigan na magswimming pag dumarating ang Holy Week. Mga ilang taon na rin naming ginagawa yon. Parang ritwal lang, ganun.. Kung ang iba,eh, halos magkandapaos-paos sa pagkanta sa pasyon twing mahal na araw, kami naman, eh, walang habas ang pagbrowse sa internet kung saan ang next location, kung anong lafang ang bibitbitin at kung anong outfit ang dapat isuot. We're so bbbaaaaaaadddd!!!
8. MAY PASOK SA JUNE 12 - sa kaso ko, meron!!! Yun, eh, kung rumaraket pa rin ako sa mga Koreans. Hindi kasi uso sa kanila ang holiday. Bawal ka ring magkasakit, at kung aabsent ka, ihanda mo na ang sangkaterbang excuses para mapaniwala mo sila.
9. HAHABA NA ANG HAIR KO!! - dahil may LQ na kami ng hair stylist kung bading, malamang, eh, next year na ko makakapagpagupit sa kanya!!! hahaha...
10. MABIBINGI AKO! - yan,eh, pag hindi pa tumigil yung kapitbahay namin sa kakakanta at kapapatugtog ng ubod ng lakas!! Long playing sila mga kapatid, since yesterday morning pa sila ganyan! At naririndi na ang tenga ko sa paulit- ulit na "nobody- nobody but you!" Waaahhhh..!!
Wednesday, December 30, 2009
ALMOST THERE
10:30 am
Just woke up and having my altang ( almusal- tanghalian combined ), pero kelangan ko din magblog at the same time ( multi-tasking ako,eh..hehehe). Porque?! Kasi may FAN na ko!!! (naks!) Wahahaha...... Sabi ko na nga ba,eh.. sisikat din ako!! Kaya, "Wanda, you better watch out, coz I'm coming!!" Bwahahaha....
Eto ang nasagap ko sa fan mail ko, este Facebook inbox ko pala! hahaha...
O, devah?! Bongga!!! Actually, hindi ko naman talaga sya fan,eh. Ilusyon ko lang yon. S'ya ay isa sa mga bago kong frendship. At hindi frend na pang-Facebuk lang,ah?! Kasi, I've known him (o her?, ah basta!!!) for quite some time na rin, though ngayon-ngayon lang talaga kami nagkakahuntahan, chikahan, inuman and everything... And I must say na love ko na rin sya!! Salamat ke Madista, este Sharon pala at nakilala ko sya!
And now, the " Star of the Show - Drew Dela Bajan or Simply "NOY" !" :-)
"THANKS NOY, for being a friend!!!"
TATTOO
30 December 2009
1:30 pm
What's with tattoos that almost everyone goes gaga about it?! Personally, I'm a tattoo addict. I have three, and will still be counting if my habibti would have allowed me to have more....In fact, I even encouraged her to put my name on her right arm! O, di ba bongga?!! The picture on the right is my second tattoo. It's a triquetra, the symbol of Charmed. It is used as the cover of their Book of Shadows. Triquetra has various meanings. It is made of 3 interconnected loops and an additonal circle in or around it! This has been used as a religious symbol of things and persons that are threefold.
For centuries, humans have used tattoos for different reasons - for magical protection, to relieve pain, for vengeance and to declare victory over an enemy. Historically, tattoos were created to beautify, shock, or humiliate and they could proclaim valor, religious belief, group solidarity, or personal independence. Let's take the "Pintados" (painted ones), for example. The Pintados are inhabitants of the Visayan islands as described by the first Spaniards to set eyes upon them. Tattoos are now part of everyday society.
According to the late Master Rapper Francis Magalona in one of his interviews, "the human body is the best canvas in the world." That's why I dont know, why there are still some individuals who look down on people having tattoos. Honestly, I have nothing against them. Everyone is entitled to their own opinion.
I also had my share of bad experiences with them. When I went to Ilocos, several years ago to celebrate Christmas with my Dad's family, everyone was shocked to see the rose tattoo at the back of my leg. My aunt, who is a principal/ teacher in one of the national schools in Ilocos, suddenly reacted and deliberately talking about the bad implications that one might have if he or she has a tattoo. I dont know, but based from what I perceived, she was associating tattoos to convicted criminals. Of course, we had an argument that day. I'm not the type who just sits down and listen when I know something's not right!
I felt bad, because of all people, my aunt who turned out to be a principal and a teacher had reacted that way. She, who was supposed to be "learned" and so called "educated" should understand and have an open mind about it. :-(
DED NA SI LOLO REVIEW < imported from Paul Ignatius' Blog>
Category: | Movies |
Genre: | Comedy |
As what I have stressed out before, I love watching Indie films. And this one becoming our official entry to next year’s Academy Awards made me want to see it more. Each year, I have been feeling all positive about our entries, and Ded Na Si Lolo won’t be any exception. I am just so happy how a film can really mirror our traditions and culture in a perspective where most of us can relate to. I hope the Oscar jurors would give this one a chance. I strongly believe that this movie would be a stand out from the lists of entries. Let’s cross our fingers!
The cast was amazing! Roderick Paulate, Manilyn Reynes, Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Dick Israel. They all made the movie a breath of fresh air. I love how they made acting seem so easy. Most of us will definitely relate to each character. It’s like I can see my aunts and uncle watching them!
I love the story’s twist at the latter part. It made me teary eyed! And most of all, what I liked is that this film discusses about family ties. That despite what happened, family is always there and the love you have for them will never change. I will definitely watch this again. A good movie that will give you a good laugh, and a realization on how unique and distinct our culture is.
One response
Tuesday, December 29, 2009
Monday, December 28, 2009
LEARNING THE ROPES
3:30 pm
"Chow!", yan ang madalas kong sabihin pagkatapos kong magHarvest at magPlow sa Farmtown. Farmtown, isang laro sa Facebook na kung saan, pwede kang maging parang addict na magsasaka lang!!! Grabe, naging kasapi ako ni kuya Germs ng mga panahong naging ganap na magsasaka ako! Pati pagkain at pagPoo-poo,eh, may I skip na ang drama ng lola mo!!! Hay........!
Personally, hindi naman talaga ako mahilig jumoin sa mga naglipanang mga social networks sa internet. Ang alam ko lang gawin dati sa internet, eh, ang magBrowse sa ibat-ibang website ng CHARMED, magdownload ng mga episode guides, spoilers at mga pictures ng mga favorite witches ko. At dahil nga madali akong maimpluwensyahan ng mga mahal kong kaibigan, kaya eto, Friendster, Multiply, Facebook, Twitter, name it, meron ako, at ang latest BLOG!!! Oha, san ka pa?!
Infairness to those social networks that I've mentioned above, eh, marami-rami din naman akong mga natutunan... Particularly sa Facebook, and here's the list:
FARMING 101:
1. "PLANTING RICE IS NEVER FUN" - yan ang english version ng magtanim ay di biro....
2. "TIME IS GOLD" - sa dami ng mga trabahadores, walang dapat sayanging oras!
3. "STICK TO ONE" - kung sino ang ngaHarvest, sya din dapat ang magPlow, kundi maraming aapila sa baranggay!
4. "MONEY CAN'T BUY EVERYTHING" - kelangan din ng farmcash! hahaha...
5. "BEGGARS CANNOT BE CHOOSERS!" - kung kinakailangang
magmakaawa para lang i-hire ka, gawin mo!!!
6. "LOVE UR NEIGHBOR AS U LOVE URSELF" - makakatulong din sila sa pag-angat mo!
Those are the things that I've learned in Facebook, actually, marami pa, eh, kaso I'm heading to my cafe na, ready to serve na kasi yung mga niluto ko... Til next time! Chow!
GETTING STARTED
around 9:00 am
Wheeew!! Finally, I had come to a decision to start blogging... Honestly, yoko sana,eh... (pedeng mag-tagalog na lang?! baka maNosebleed ako sa harap ng desktop, pagtinuloy-tuloy ko pa to,eh...) Kaso, when I started reading books, such as the works of BOb Ong, Wanda Ilusyonada, Louie Cano and the likes, naisip ko... Bakit nga ba di ako mag-Blog?! Aba, eh, who knows, baka sumikat din ako?!! weeehhhhhh....
Kidding aside, nainspire talaga ko sa mga sinulat nila. Maaaring hindi nga mala-Charles Dickens o Edward Allan Poe ang mga atake ng mga nabanngit kong manunulat, pero pag binasa mo yung kanilang mga libro, eh, for sure "maaaliw ka!"
Maraming thank you din ke Paul (http://paulignatius.wordpress.com yan ang site nya, check nyo para malaman nyo ang ibig kong sabihin), ang aking mahal na kaibigan, na sa kabila ng kanyang palaging fully booked sked, eh, nakukuha pang makapagBlog ng kung anik-anik, At lagi akong kinukulit na magComment sa kanyang mga Obra Maestra. Dahil sa yo friendship, may BLOG na din ako...!!!
I want to start the year right (Diyos ko, tama nga ba tong desisyon ko na mag-blog?!). Kaya para salubungin ang bagong taon, eh, sisikapin kong karirin na ang pagbaBlog!!! Aba , marami din naman akong maiiShare noh?!! Masaya at makulay din naman ang buhay ko!! Marunong din naman akong magReview ng mga kung anu-anong chorva at higit sa lahat marunong din naman akong magUpload ng mga kapicturan!!! Kaya, keri na yan!!! (At kahit na hindi, eh, pipilitin ko...)
KAYA UUMPISAHAN KO NA 'TO, NOW NA!!! "LET'S ALL GET READY TO RUMBLE!!!"
( Ay, later na lang pala, mag-aalmusal na muna ko at tatapusin ko muna yung isang librong binabasa ko. "Chow!!!" )
Okay, to my beloved friend, na bibigyan “daw” ako ng “special” na Christmas gift this Xmas, makapagComment lang…
As you wish, eto na….
I watched “DED NA SI LOLO”, a couple of months ago. I Watched it at home thru my PC, DVD version (pirated nga lang – ganun ako kahirap!! hehehe). 8 in 1 cd. And since na isa lang ang gumagana dun sa eight, which is this movie, kaya pinagtyagaan ko na!!!! At first, akala ko, hindi ako mag-e-enjoy, kasi “blurred” yung picture ( what do you expect sa mga pirated,di ba?!), eh, I’m so bored that day, kaya, may I karir ko pa rin, kahit na MAGKANDADULING-DULING AKO SA PANUNUOD!!!hehehe.
Hindi naman ako nagsisi at pinanuod ko sya. Actually, maganda ang pagkakagawa sa pelikula. Talagang sumasalamin sya sa kulturang pinoy. Nakakatuwang isipin na habang pinanunuod mo sya, eh, tumatango ka, hudyat ng pag-sang-ayon mo sa mga eksena. At ang mga nakakatuwang mga pamahiin na hanggang ngayon, eh, may naniniwala pa rin, eh, talaga namang winner!!!
Winner din ang akting ng mga nagsipagGanap lalo na si Roderick Paulate. Doon ko lang ulit sya napanuod na maging Gay. At infairnez to him, effective pa rin syang bading!!!
Maganda rin ang location at set-up ng pelikula…
True enough, na hindi kelangan ng hubaran at ng mga magagarbong special effects para masabing maganda ang isang pelikula…
Siguro ang bottom line lang dito, eh, maging totoo tayo sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa ating kapaligiran, para mas maging makatotohanan ang paggawa ng isang pelikula…
At sa aking kaibigan, naway naibigan mo ang aking mga komento…. Actually, ingles yan kanina,eh, nadelete lang. Sori, pero nagNosebleed na
ko, kaya hindi ko na mauulit pa!!!! wahahaha…
Ang christmas Gift, dont forget!!!!!