Monday, February 8, 2010

THE RETURN OF THE COMEBACK!!!



I'm back!!! Wow, namiss ko tong blog ko!!! Imagine after two months, ngayon ko lang ulit nagawang buksan ang pinakamamahal kong site?!! Naging busy-busyhan na kasi ang lola nyo,eh... Just like what I've predicted sa aking fearless forecast before the year ends.


At hindi ako nagkamali, 4 of those said forecast,eh, nagkatotoo naman ( sabi ko na nga ba, "charmed one" ako,eh.. hehehe.. )!! Una, talagang nginarag at magpahanggang ngayon ,eh, nginangarag pa rin ako ng mga estudyante ko! As usual, ano pa nga bang inaasahan ko sa kanila? Pero dapat karir kung karir, kasi kelangan ko ng anda! Kaya deadma na lang.....

Pangalawa, nagpapasalamat ako sa KANKUNIS, dahil marami ng nakakapansin na pumapayat na daw ako!! Yeheyyyyyy!!! At dapat lang noh?! Ikaw ba naman ang pumuPOO ng 3x every morning kung hindi ka pa mangangayat nyan?!!

Pangatlo, talagang pinayaman ko na naman ang Bayo, Kamiseta at ang mga Ukayan!! Minsan tuloy iniisip ko, parang mas maganda na lang kung wala akong work,eh.... Para hindi ako masyadong gumagastos!! Ewan ko ba, weakness ko talaga ang magShopping! Once na nakatungtong na ang mga paa ko sa Mall, hindi ko mapigilan ang sarili ko na bumili!!! Hay, nakakaguilty!!! Yung iba jan halos walang makain, tapos ako, bumibili ng mga damit na kulang-kulang isang libo!!! Waaaaaaaaahhhhhhh...!

Pang-apat, desidido na talaga kong pahabain ang hair ko, since January ay isang beses pa lang ako nakapagpagupit!!! Yung long hair ko dati, took me two years para humaba. Kaya dapat wag akong mainip. Gusto ko uling mag-long hair for a change!

Isa pa sa mga fearless forecast ko ang ikinakatakot kong mangyari. This is my birthday month, at ayon sa aking bolang kristal, eh, gagastos na naman ako ng milyones for my birthday! Wala pa namang definite plans for the occassion, pero napag-usapan namin nun ng isang friend ko, na magbi-Beach kami... Pero parang hindi magandang magSwimming this month, kaya malamang,eh, magbago ng plans!!! Well, we will just have to wait and see!! =)


***

No comments:

Post a Comment